What if
What if ; Paano kung
Madaming tanong sa buhay ko na hindi ko pa nasasagot, maraming tumatakbo sa isip ko na hanggang ngayon gumugulo pa rin sakin.
Paano kung nung araw na ‘yon hindi ako natuloy kung saan tayo unang nakita. Hindi sana tayo nagkapalitan ng unang “hello” o “hi.” Hindi ko sana nakita yung mainit mong ngiti at nangungusap mong mata. Hindi sana tumibok ang puso ko ng kakaiba.
Paano kung nilampasan lang kita? Hahabulin mo kaya ako para lang makilala mo o sadyang nagkataon lang na nandon ako, nandon ka.
Paano kung hindi na ako nakipag-kaibigan. Hindi na ko pumasok pa sa unang lebel ng relasyon nating dalawa. Hindi na sana kita nakilala ng lubusan. Hindi na sana ako nahulog sa’yo, sa buong pagkatao mo.
Paano kung hindi na ako nakipagpalitan ng mga text, chat at tawag. Hindi na ‘ko nagpupuyat maka-usap ka lang. Hindi ko sana hinahanap yung boses mo.
Paano kung hindi na lang ako nagpadala sa nararamdaman ko. Sana noon pa lang alam ko na, na panandalian to. Iiwan mo lang rin ako.
Sa dami ng mga bagay na dapat ginawa ko para hindi ako umabot sa puntong ito, nagpapasalamat pa rin ako sa’yo dahil sa kakaunting oras na pinagsaluhan natin, sa maiksing oras na akin ka, natutunan ko ang tunay na kahulugan ng pagmamahal at kaligayahan.
C
Comments