True to life Story
May isang mag asawa ang pangalan ng babae ay Ellaine at ang pangalan ng lalaki ay joshua. Isang araw habang sila ay naglalakad may nakita silang tuta! Ngunit ito ay nangangailangan ng kalinga sapagkat ito ay palaboy na. Sa madaling salita parang ASKAL.
Inalagaan nila ang aso pinalaki kinupkop at minahal binigyan nila ito ng pangalang hachi. Dahil sa hindi sila magkaanak tinuring nadin nila itong parang isang tunay na anak.
Makalipas ang isang taon. Biniyayaan sila ni God ng isang supling. Nabuntis at nanganak si ellaine. Sa hindi inaasahang pag kakataon nabaling ang atensyon ng mag asawa sa kanilang anak at napapabayaan na nila si hachi. Ang aso ay naging wild dahil sa selos sa sanggol na anak nila ellaine at joshua at sa hindi inaasahang pagkakataon. Iniwan nila joshua at ellaine ang natutulog na sanggol sa kanyang kuna. Iniwan nila at sila ay sabay na bumaba. Habang sila ay abala sa kanilang mga ginagawa hindi nila namalayan na umakyat si hachi at nagmamadali sa kwarto ng sanggol at pag baba ng aso ay may dugo ang kanyang nguso. Sumabay pa ang napaka lakas na iyak ng sanggol.
Sa sobrang galit ni joshua kinuha nya ang kanyang baseball bat at pinag papalo at pinatay nya ang kanyang aso. Pag akyat ni joshua at ellaine sa kanilang kwarto laking gulat nila dahil may patay na ahas sa tabi ng kanilang sanggol. Napaiyak si joshua sa kanyang ginawa at ang tanging nasambit lang ng kanyang mga labi ay napatay ko ang mahal kong aso. Ang asong nagsalba sa buhay ng anak ko
Lesson learned
Wag basta manghusga. Dahil sa kabila ng kanyang itchura at pagiging wild. May maganda syang layunin.
Comments