Torpe

Torpe (Spoken Poetry)

Ano nga ba ang pag ibig?
Ito ay ating nararamdaman
Na binubuo ng dalawang taong nag mamahalan
Ngunit paano ang pagmamahalan
Kung ikaw ay nasa kawalan

Kawalan, dahil kinikimkim mo ang iyong nararamdaman
Kahit sobrang mahal mo siya ayaw mo na kanyang malaman
Dahil baka ikaw ay masaktan o baka di ka niya magustuhan
Kaya kinimkim mo na lamang at nanatiling nasa kawalan

Mahal mo siya, mahal ka ba?
Mahal mo siya pero may mahal siyang iba
Paano mo masasabi ang pag ibig mo sa kanya
Kung iba pala ang mahal niya

Kaya nanatili na lamang tahimik
Kahit ang puso ay waring tinutusok ng tinik
Kahit gustuhin mo ang kanyang mga halik
Sa panaginip na lamang nangyayari habang humihilik

Comments

Popular posts from this blog

"Fake Friends"

Bisitahin natin ang isa sa mga pwedi mong bakasyonan sa Zamboanguita.

Sorry